Home METRO Magsasaka kinatay ng ‘may sayad’

Magsasaka kinatay ng ‘may sayad’

152
0

CAPIZ- Pinagtataga patay ang isang magsasaka ng kanyang kalugar na umano’y may diperensya sa pag-iisip kahapon ng umaga sa bayan ng Tapaz.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan si alyas Totong, 33-anyos at residente ng Barangay Hilwan, Tapaz, Capiz.

Tugis naman ng mga tauhan ng Tapaz Municipal Police Station, ang suspek na kilala sa alyas Baste, 35-anyos, at residente ng naturang lugar.

Batay sa report ng Tapaz-MPS, bandang alas-10:40 ng umaga nang maganap ang krimen sa harap ng sakahan ng biktima sa nabanggit na lugar.

Kwento ng ilang saksi, abala ang biktima sa paggawa ng kanal sa kanyang sakahan nang bigla na lamang dumating ang suspek na armado ng itak at habang nakatalikod ang una ay pinagtataga na ito ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pahayag naman ng ilang residente, may problema umano sa pag-iisip ang biktima at kapag sinusumpong ay nagiging bayolente ito.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here