MANILA, Philippines- Tiniyak ng Philippine Ports Authority sa publiko na hindi nakararanas ng congestion o pagsisikip sa mga pantalan.
Sinabi ni PPA general manager Jay Santiago na ito ay sa kabila ng mga nakatenggang mga container van sa Port of Manila.
Ayon kay Santiago, ang container vans na ito ay may lamang sako-sakong bigas na imported at ilang buwan nang hindi inilalabas ng consignees.
Idinagdag ni Santiago na ang 888 container van na nakaimbak sa yarda ng Manila ports partikular sa Manila International Container Terminal. (MICT) ay katumbas ng 20 milyong kilo ng imported na bigas.
Umaasa naman si Santiago na bago matapos ang buwan ay mababawasan na ang mga overstaying containers.
”We look forward na sa darating pa pong mga araw hanggang katapusan po ng buwang ito ay tuluyan pa pong mababawasan ‘yung mga overstaying containers natin diyan na naglalaman ng bigas,” sabi ni Santiago sa isang press briefing. Jocelyn Tabangcura-Domenden