NUEVA VIZCAYA, Philippines – Walang katapusan paghihirap ang mga magsasaka kahit sa pagtawid ng kanilang naani para ibenta sa kabayanan dahil sa kanilang buwis buhay na lumulusong sa malakas na agos ng tubig sa ilog na fala ng bagyong mirasol sa Ineangan, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.
Sa kabila ng panganib ng pagtaas ng lebel ng tubig, wala silang ibang magawa kundi isugal ang kanilang buhay para hindi masayang ang kanilang pinagpagurang inaning palay
Kung labis ang kanilang hinagpis na lalong nagpahirap pa sa kanila ang mababang presyo ng kanilang palay na ₱10 kada kilo, na hindi sapat para mabawi ang kanilang puhunan sa pagtatanim.
Nanawagan ang mga magsasaka sa pamahalaan na bigyang-pansin ang kanilang sitwasyon at itaas ang presyo ng palay, upang mabigyan sila ng makatarungan at disenteng kita na katumbas ng kanilang hirap at sakripisyo.
Kasabay ng kanilang kahilingan na mabigyan sila ng magandang tulay at kalsada para mailabas nila ang kanilang ani. (REY VELASCO)