Home METRO Magsasaka, pisak sa gumuhong malaking bato

Magsasaka, pisak sa gumuhong malaking bato

216
0

SABLAN, Benguet – Makalipas ang tatlong linggo na nawawala, natagpuan na sa composition stage ang bangkay ng isang magsasaka sa Bantogey, Banengbeng, Sablan, Benguet.

Una nang naiulat na nawawala ang magsasaka na kinilalang si Nardo Diplat Cariño matapos ang nangyaring landslide sa Sitio Talinguroy, Barangay Wangal, La Trinidad, Benguet noong Hulyo 25, 2025.

Isang tanod na kinilalang si Sherwin Sholin ang nakakita sa bangkay na nakaipit sa ilalim ng malaking bato sa ilog.

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima matapos makumpirma na ang katawan na natagpuan ay ang kanilang nawawalang mahal sa buhay, na kasalukuyang pinaglalamayan. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here