Home NATIONWIDE P130M panalo sa online sugal ‘di ibibigay ng PAGCOR sa ‘banned’ players

P130M panalo sa online sugal ‘di ibibigay ng PAGCOR sa ‘banned’ players

274
0

MANILA, Philippines – Humigit-kumulang P130 milyong halaga ng mga panalo sa online gaming ang na-forfeit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula sa mga indibidwal na hindi pinapayagang maglaro ng naturang laro, kabilang ang mga empleyado ng gobyerno at mga taong may edad na wala pang 21 taong gulang.

Iniulat ni PAGCOR Chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco ang paglaganap ng online gambling sa bansa.

Sinabi ni Tengco na mahigpit na ipinatutupad ang isang patakaran na nagsasaad na ang mga taong 21 taong gulang pataas lamang ang pinapayagang magrehistro sa mga online gambling platform.

Gayunman, inamin ng opisyal na may ilang bettors na mababa sa limitasyon ng edad ay nakakalusot pa rin tuwing gumagamit sila ng mga pekeng ID.

Sinabi rin ni Tengco sa pagdinig sa Senate Committee on Games and Amusement na, sa kabila ng ulat ng online gambling na nakakaapekto sa mga Pilipino, hindi pa nakakatanggap ang PAGCOR ng pormal na apela mula sa sinumang pamilya na humihingi ng tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here