Home METRO Magsasaka todas sa kidlat

Magsasaka todas sa kidlat

ILOCOS NORTE-Patay ang isang 44-anyos na magsasaka matapos tamaan ng kidlat sa Brgy. 10 San Miguel, Sarrat ng lalawigang ito.

Kinilala ng Sarrat Municipal Station ang biktima na si Dennis Ramos y Teodoro, may asawa, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Neriza Ramos y Simon, babae, 34, asawa ng biktima, nagpunta sa bukid ang kanyang mister para iuwi ang alaga nitong kalabaw dahil sa malakas na ulan.

Habang nasa bukid ang kanyang mister, bigla umanong kumulog nang malakas na may kasamang kidlat.

Tinamaan umano ng kidlat si Dennis kaya agad na sumaklolo si Neriza at anak nilang babae pero pagdating nila sa lugar, nakahiga na sa lupa at wala nang buhay ang kanyang mister.

Humingi ng saklolo sa mga kalugar nila ang anak nilang babae at dinala sa ospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang patay na sa pinagdalhan nilang ospital. Rolando S. Gamoso