Home HOME BANNER STORY Maharlika Investment Fund Bill nilagdaan na ni Speaker Romualdez

Maharlika Investment Fund Bill nilagdaan na ni Speaker Romualdez

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez na nilagdaan na nito at ni House Secretary General Reginald Velasco ang Maharlika Investment Fund bill.

Ang kopya ng nasabing panukala ay naisumite na din ng Kamara sa Senado noong Lunes, Hulyo 3.

Matatandaan na una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na agad niyang lalagdaan ang Maharlila Bill sa oras na matanggap ito ng kanyang opisina.

“I will sign it as soon as I get it. I think most of the changes that were proposed and eventually adopted really had to do with the safety and the security of people’s pension funds,” nauna nang pahayag ni Pangulong Marcos.

Noong nakaraang Linggo ay nilagdaan na rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang “corrected” version ng Maharlika Investment Fund Act.

Inadopt ng Kamara ang Senate Bill 2020 kung saan kasama dito ang probisyon na ang Maharlika Investment Corporation – Board of Directors ay bubuuin ng 9 na miyembro kabilang dito ang mga sumusunud:

– Chairperson – Secretary of Finance (ex-officio capacity)
– Vice Chairperson – President and Chief Executive Officer of the MIC
– President and CEO ng LandBank
– President and CEO ng DBP
– 2 regular directors (itatalaga ng Pangulo base sa rekomendasyon ng Advisory Body na magkakaroon ng 3 taong termino).
– 3 Independent Directors mula sa pribadong sektor (itatalaga ng Pangulo base sa rekomendasyon ng Advisory Body na may termino na 1 taon)

Ang Maharlika fund ay magkakaroon ng inisyal na kapital na P500 billion na manggagaling sa central bank, gaming revenues at 2 government-owned banks. Gail Mendoza