Home NATIONWIDE Albay nagpasaklolo sa pamahalaan, pondo sa Mayon evacuees paubos na

Albay nagpasaklolo sa pamahalaan, pondo sa Mayon evacuees paubos na

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo na ang lokal na pamahalaan ng Albay sa national government dahil malapit nang maubos ang badyet para itulong sa libo-libong mga evacuees dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

“The quick response fund is about to be exhausted. That’s why I think we have to again look for other sources perhaps coming from the national government in terms of cash aid,” sinabi ni Albay Governor Edcel Greco Lagman sa panayam ng ANC nitong Martes, Hulyo 4.

Nauna nang kumuha ang Albay government ng P32 milyon mula sa calamity fund ng probinsya upang suportahan ang Mayon evacuation efforts simula Hunyo 9, isang araw makaraang ilagay ng Phivolcs ang babala ng bulkan sa Alert Level 3.

Hanggang nitong Martes, nasa 5,743 pamilya o 20,068 ang nananatili sa 34 na evacuation shelters sa probinsya.

Nauna nang nagbabala si Lagman na posibleng tumagal na lamang ng 15 hanggang 20 araw ang pondo para sa pangangailangan ng mga evacuees.

“The quick response fund that we worked on is only worth P32 million, and that’s not enough,” ayon sa gobernador.

“But that’s computed from our calamity fund. There might be interventions that must be secured from the national government.” RNT/JGC