Home OPINION MAGTRABAHO BILANG OBRERO PARA SA TAO

MAGTRABAHO BILANG OBRERO PARA SA TAO

91
0

NGAYONG wala nang sagabal sa kanyang pag-upo bilang senador, dapat nang mag-pokus si Senator-elect Erwin Tulfo sa kanyang trabaho bilang trabahante ng gobyerno.

Iprinoklama si Tulfo, isang kilalang mamamahayag at dating kongresistang miyembro ng partylist, na panalo makaraang maging pang-apat sa pinagkatiwalaang maging senador ng mga Filipino na maglingkod sa kanila sa botong 17,118,881.

Wala nang sagabal dahil ibinasura ng Commission on Elections ang kasong diskwalipikasyon na isinampa laban sa kanya.

Klarong walang kalatoy-latoy ang isinampang kaso laban sa kanya gaya ng hindi umano pagiging Pinoy kundi American citizen dahil noon pang 2022 niya tinalikuran ang pagiging Kano niya.

Hindi na rin ito kinuwestiyon sa iba pang mga akusasyon simula noong umupo siya bilang isang kinatawan ng ACT-CIS partylist at natapos nito ang kanyang termino hanggang magiging senator-elect siya ngayon at uupo siya sa loob ng anim na taon mula Hunyo 2025.

Ayon sa Commission on Elections, nagsampa ng diskwalipikasyon ang mga petitioner ngunit hindi sumunod sa mga patakaran sa pagsasampa ng kaso kaya ibinasura agad ang kaso.

Bilang ebidensya nila, iniharap ng mga petitioner ang electronic copy ng Certificate of Candidacy na kinuha umano nila sa website ng Comelec ngunit walang pagpapatotoo o affidavit of authentication at isa itong paglabag sa Section 4 (2) ng Comelec Resolution No. 11046.

Isa sa mga petitioner, kalihim o secretary umano ng kanilang organisasyon, ang wala namang Secretary Certificate na magpapatunay na pinapayagan siya ng organisasyon na pumirma sa Verification and Certification of Non-forum Shopping, at labag ito sa itinatakda ng Section 5, Rule 7 ng Rules of Court.

“Petition dismissed,” sabi ng Comelec.

Ayon kay Sen. Erwin, magtatrabaho siya at isusulong niya ang pagkakaisa at magandang pasimula ito ng kanyang pagiging trabahante ng tao lalo’t ramdam ang pagiging sinsero nito.

Kung magpapatuloy nga naman sa bangayan ang lahat, lalo na parte ng mga nasa pamahalaan, saang basurahan pupulutin ang sambayanan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here