Home OPINION MAHALAGANG IPRAYORIDAD OFWs

MAHALAGANG IPRAYORIDAD OFWs

151
0

ISA ang Department of Migrant Workers sa hinahangaan pagdating sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino dahil wala itong ibinubukod o tinatangi. Mula nang itinatag sa ilalim ng mga nagdaang pinuno ng bansa, patuloy itong kinikilala at pinag-uusapan dahil sa sakripisyo at malasakit nito para sa bayan, lalo na sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker na itinuturing na mga bagong bayani.

Ito ang departamento na isinasantabi ang kulay ng pulitika, anomang partido, o sinomang pulitiko ang kinabibilangan. Sapagkat ang pinakamahalagang layunin nito ay pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Itinatag upang tutukan ang kapakanan ng OFWs at kanilang pamilya. Marami ang nagsasabing malaking tulong ito dahil pinagsama-sama na sa isang ahensya ang dating magkahiwalay na serbisyo para sa migrant workers.

Para kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang tungkuling iniatang sa kanya ay lubhang napakasensitibo dahil bukod sa pamamahala at pangangalaga sa kapakanan ng mga OFW, kailangan din niyang tiyakin na maayos na naipatutupad ng mga kawani ang kanilang mga tungkulin.

Bukod sa Punong Tanggapan, may mga sangay rin Ito sa iba’t ibang rehiyon na kailangang tutukan upang masiguro ang maayos na serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Kailangan din nilang bantayan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino sa labas ng bansa, lalo na ang mga may problema sa kanilang mga dokumento o walang sapat na ligal na papeles. Dahil dito, mahalaga ang mabilis na aksyon, tamang koordinasyon, at malasakit upang mabigyan sila ng kaukulang tulong at proteksyon.

Hindi pa rin matapos-tapos ang digmaan ng US-Israel at Iran kung kaya hindi tinatantanan ng DMW ang kanilang monitoring at ang katiyakang makauwing maayos at ligtas ang OFWs.

Hindi madaling pauwiin ang libo-libong manggagawa, lalo na ang mga naipit sa gitna ng digmaan. Malaking hamon kung saan kukuha ng mga eroplanong magsasakay at maghahatid nang ligtas sa mga manggagawang Pilipino pabalik ng bansa.

Maging si Pangulong Bongbong Marcos ay mismong nagbibigay ng mahigpit na tagubilin na gawing prayoridad ang mga manggagawang nais nang umuwi upang mabawasan ang pag-aalala ng pamahalaan at lalo na ng kanilang mga pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here