MANILA, Philippines – Binigyang-pugay ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang mga barangay health worker (BHWs) sa bansa dahil sa kanilang mahalagang papel bilang healthcare frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic at sa pagbibigay ng mahalagang ugnayan sa pagitan ng mga komunidad at ng public healthcare system.
Ginawa ni ni Tolentino ang pagpupugay sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang ng ‘BHWs Day’ – kung saan nagtipon-tipon ang libu-libong BHW mula sa iba’t ibang lokalidad sa buong lalawigan ng Cebu.
Itinampok sa okasyon ang pagpapasa kamakailan sa Senate Bill No. 2838 o ang ‘Magna Carta of Barangay Health Workers’ na naglalayong bigyan ang sektor ng buwanang honoraria, at benefits packages na kinabibilangan ng allowance, insurance coverage, at career advancement.
Dumalo rin sa events si Senator JV Ejercito, ang punong may-akda ng panukala, para iendorso ang kandidatura ni Tolentino.
“He is low key, but a brilliant lawyer, a former Mayor of Tagaytay City and Chairman of the MMDA. As our Majority Leader, he was instrumental in the passage of the Magna Carta of BHWs. Your vote will be worth it; let us support Senator Tolentino!” anbg sabi ni Ejercito sa audience.
Bilang tugon, nagpasalamat si Tolentino kay Ejercito, na Deputy Majority Leader din ng Upper Chamber.
Sinabi ni Tolentino sa kanyang talumpati na ang mga kontribusyon ng BHWs ay madalas na nakaliligtaan ngunit nahayag sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.
“They were the unsung heroes of the pandemic, serving as frontliners assisting in the delivery of healthcare during disasters health emergencies,” ayon kay Tolentino.
Tinukoy ng senador ang maraming gawain ng BHWs, tulad ng pagsusulong at edukasyon sa kalusugan, pag-asiste sa pre-and postnatal care, immunization and disease prevention, health surveillance, at data collection. Ang lahat ng ito, sinabi ni TOL, ay mga pangunahing bahagi ng sistema ng pampublikong pangangalaga sa kalusugan.
“Panahon na para iangat ang kanilang katayuan, kasama na ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makakuha ng civil service eligibility,” dagdag ng senador. RNT