Home NATIONWIDE Mahalagang papel ng komunikasyon sa pagbibigay-kaalaman sa mga Pilipino, kinilala ng gobyerno

Mahalagang papel ng komunikasyon sa pagbibigay-kaalaman sa mga Pilipino, kinilala ng gobyerno

1
0

MANILA, Philippines – Kinilala ng gobyerno ang mahalagang papel ng komunikasyon at impormasyon sa pagpapaalam sa mga Pilipino ng mga polisiya, programa at serbisyo ng gobyerno sa pagdiriwang ng Communications Month ngayong Oktubre.

Noong 2023, inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 308 na nagdedeklara ng Oktubre bilang “Communications Month” at ng Oktubre 11 bilang anibersaryo ng Presidential Communications Office (PCO), ang pangunahing sangay na nangangasiwa sa paghahatid ng mensahe ng Executive Branch at ng Office of the President.

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng isang epektibong mekanismo ng komunikasyon upang mahikayat ang pakikilahok ng mamamayan at media sa pagpapalalim ng pampublikong diskurso hinggil sa pamamahala, pinalitan ni Pangulong Marcos ang pangalan ng Office of the Press Secretary (OPS) bilang PCO noong 2022.

Ang PCO ang ahensiyang nangangasiwa sa pagbuo, pagbabalangkas, pagpapaunlad, pagpapahusay at pag-uugnay ng sistema sa paghahatid ng mensahe ng Executive Branch at ng Office of the President.

Nakatuon ang administrasyong Marcos sa pagbibigay ng totoo, tumpak at napapanahong impormasyon hinggil sa mga patakaran, prayoridad na programa at proyekto ng pamahalaan para magkaroon ng tamang impormasyon ang mamamayan sa pamamagitan ng mga angkop na plataporma ng media.

Kaugnay nito, pinangungunahan ng PCO ang pagdiriwang ng Communications Month at ng anibersaryo nito, kabilang ang pagtukoy sa mga programa, proyekto at aktibidad para sa taunang pagdiriwang.

Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng iba pang ahensya at sangay ng Pamahalaan, kabilang ang mga government-owned or -controlled corporations at state universities and colleges, gayundin ang mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at pribadong sektor, na aktibong makibahagi sa pagdiriwang at magbigay ng kinakailangang suporta sa PCO.

Nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na kinikilala ng Estado ang mahalagang papel ng komunikasyon at impormasyon sa nation-building. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here