Home METRO Mahigit 100 pekeng PWD ID nadiskubre sa Bacolod

Mahigit 100 pekeng PWD ID nadiskubre sa Bacolod

MANILA, Philippines – Nadiskubre ang mahigit 100 pekeng Persons with Disabilities (PWDs) identification (ID) cards sa Bacolod City.

Ayon kay Alma Gustilo, officer-in-charge ng Department of Social Services and Development (DSSD), susuriin nila kung ang mga pekeng ID ay sa lungsod din ginawa.

Dagdag pa, ang mga pekeng PWD ID ay inimprenta sa ibang uri ng papel, gulo-gulo ang PWD numbers at mali ang encoded type ng disability.

Ipinag-utos na ni Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez ang pagbawi sa 12,000 existing PWD IDs upang masiguro ang data security sa pamamagitan ng paggamit ng QR code system at papalitan na ito ng PVC cards. RNT/JGC

Previous article90K e-titles naipagkaloob na ng DAR sa mga benepisyaryo sa Davao
Next articleBong Go: Magsama-sama, sugpuin ang korupsyon