MANILA, Philippines – Hinarang at hindi inaprubahan ng Philippine Statistics Authority ang mahigit 1,600 birth certificates ng dayuhan sanhi ng pekeng dokumento na isinumite, ayon Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Finance.
Inihayag ito ni Poe sa ginanap an deliberasyon ng pambansang badyet ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa 2025. Pawang attached agency ng NEDA ang PSA.
“(At least) 1,627 birth certificates of foreign nationals were blocked by PSA (Philippine Statistics Authority) after its investigation, finding the documents to be spurious,” ayon kay Poe.
Idinagdag pa ni Poe, na nag-isponsor sa NEDA budget, na ibinahagi ang pangalan ng dayuhan sa Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, at National Bureau of Investigation.
“Out of those numbers, 18 were endorsed to the OSG (Office of the Solicitor General) for cancelation. Kasama na dito yung kay Guo Hua Ping,” ayon kay Poe.
Naunang naghain ang OSG ng petisyon upang ikansela ang birth certificate ni Alice Guo, o Guo Hua Ping sa tunay na pangalan bilang isang Chinese national at espiya ng Beijing. Sa petisyon, sinabi ng OSG na hindi nakumpleto ang kinakailangang legal na papeles para sa late registration sanhi ng kawalan ng supporting documents.
Sinabi pa ni Poe na may nakabinbin na 14.89 milyong late birth certificate registrants sa loob ng 14 taon simula noong 2010 hanggang 2014.
Kailangan umanong palakasin ang kakayahan ng PSA sa pagsusuri ng late registration ng birth certificates dahil umaabot lamang sa 50, 5322 o 0,34% ang nasuring late registrants.
Nitong Setyembre, iniulat na may 15 local registrants ang sangkot sa hindi angkop na pagbibigay ng birth certificates sa dayuhan. Ernie Reyes