Home HOME BANNER STORY Mahigit 400 recipients ng confi funds ng OVP, DepEd walang birth records...

Mahigit 400 recipients ng confi funds ng OVP, DepEd walang birth records – PSA

MANILA, Philippines – Gaya ng pangalang Mary Grace Piattos, nasa 400 recipients ng confidential funds ng Office of the Vice President at Deparment of Education(DepEd) ang peke o non-existent base sa naging beripikasyon ng Philippine Statistics Authority(PSA), ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountabilility at Manila Rep Joel Chua.

Ayon kay Chua, sa 677 na pangalan na nasa acknowledgement receipts na isinumite ng DepEd sa Commission on Audit(COA) ay 405 ang lumitaw na pawang walang birth records sa PSA.

“Tayo po ay sumulat upang isumite ang 677 pang pangalan na nakalagay sa acknowledgment receipts (ARs) ng DepEd kung saan tayo po ay binigyan ng tugon ng [PSA], dated December 8, 2024 at dito kanila pong sinasabi na out of 677 individuals, 405 ay walang birth certificate o walang record of birth o pwede nating sabihin na non-existent,” paliwanag ni Chua.

Ang beripikasyon sa iba pang pangalan na nasa ARs ay bunsod ng pagkakadiskubre na walang rekord ang PSA sa pangalang Mary Grace Piattos gayundin ang pangalang Kokoy Villamin.

“the PSA’s findings point to a potential scheme to alleged misuse of public funds,” pagtatapos pa ni Chua. Gail Mendoza