Home ENTERTAINMENT Pokwang, may hanash sa bardagulang Heart at Pia!

Pokwang, may hanash sa bardagulang Heart at Pia!

Manila, Philippines – Kung matatandaan, pangabog ang kasuotan ni Pokwang sa GMA Gala.

Dahil aware ang komedyana na ang mga attendees doon ay dressed to the nines, ‘ika nga, ay hindi raw siya nagpahuli.

The Kapuso comedienne made sure na maganda ang lapat nito sa kanyang katawan.

Hanggang ngayon kasi na tapos na ang gala, sa IG ay iniintriga siya with the questions thrown her way.

She was asked on which team she is: Team Heart daw ba o Team Pia?

Obyus na nagbabardagulan ang mga IG followers over their idols.

Sagot ni Pokwang: “Team Pokwang! Hindi ako Team Heart o Team Pia!”

Paliwanag niya, dapat daw ay maging proud ang mga netizens dahil ang mga Pinay na tulad nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ay nagbibigay ng karangalan sa ating bayan.

“Dapat Team Philippines. Support ko sila pareho. Saka wala silang masamang tinapay sa akin!” giit ni Pokwang.

Lalo pang nanaig ang pagiging makabayan ng komedyana with this line of reasoning: “Inaaway na nga tayo ng China, eh! Tayu-tayo pa ba ang magkakagulo sa loob?!”

Oo nga naman, come to think of it.

Besides, ang pang-iintrigang tanong kay Pokwang is just like asking her daughter Malia kung kanino siya: Team Pokwang o Team Lee.

Hindi ba dapat ay wala ring pamilian ang bagets dahil mga magulang naman niya ang mga ito? Ronnie Carrasco III