Home NATIONWIDE Mahigit 4,700 flood control projects nakumpleto na bilang paghahanda sa tag-ulan –...

Mahigit 4,700 flood control projects nakumpleto na bilang paghahanda sa tag-ulan – TF El Niño

Bagong Maynila FB Page

MANILA, Philippines – Nakumpleto na ang mahigit 4,000 flood control projects sa bansa bilang paghahanda sa tag-ulan.

“Actually, since the start of the year pa naman ‘no dahil same naman ‘yung Task Force El Niño tsaka La Niña, ongoing na ‘yung flood control project. So meron nang nakumpleto na 4,712 control projects ng DPWH, meron pang existing na 4,100 na kinukumpleto,” sinabi ni Task Force El Niño spokesperson Asec. Joey Villarama.

Nitong Miyerkules, Mayo 29 ay opisyal nang idineklara ng PAGASA ang simula ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa Task Force El Niño, nagsimula na rin ang Department of Environment and Natural Resources sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig at flood gates para maiwasan ang mga pagbaha.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang integrasyon ng lahat ng flood control management projects sa ilalim ng DPWH.

Nagsilbi rin umanong test case ng pamahalaan sa pangangasiwa sa tag-ulan ang pananalasa ng dumaang bagyong Aghon.

“So meron po tayong kinukuhang pointers or lessons learned from the experience of Typhoon Aghon para po talaga mapaigting ang ating paghahanda sa La Niña. So nandyan po ‘yung pag-iimbak ng mga pagkain at saka ‘yung paghahanda nong food and non-food services, saka ‘yung supplies, evacuation centers, at nabanggit ko na nga ‘yung mga flood control projects na ongoing,” ani Villarama. RNT/JGC