Home NATIONWIDE Mahigit P112M shabu nasabat sa NAIA, Malaysian ‘drug courier’ arestado

Mahigit P112M shabu nasabat sa NAIA, Malaysian ‘drug courier’ arestado

132
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P112 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau off Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kung saan naaresto ang isang Malaysian national.

Kinumpirma ng BOC na naganap ang operasyon noong Pebrero 28, 2026 matapos madiskubre ang ilegal na droga sa bagahe ng dayuhan na bagong dating sa bansa.

Ayon sa BOC–NAIA, naging kahina-hinala ang bagahe ng suspek matapos itong ma-flag ng Customs personnel sa routine inspection. Dahil dito ay agad itong isinailalim sa masusing pagsusuri.

Sa isinagawang inspeksyon, tumambad sa mga awtoridad ang humigit-kumulang 16.526 kilo ng puting kristal na substansiya na hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nakatago sa loob ng checked-in luggage.

Tinatayang nasa ₱112,376,800 ang standard drug price ng nakumpiskang kontrabando, isa sa pinakamalalaking drug haul na nasabat sa paliparan ngayong taon.

Samantala, agad namang isinailalim sa inquest proceedings ang suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa pamunuan ng BOC–NAIA sa ilalim ni District Collector Yasmin Obillos-Mapa, mananatiling mahigpit ang kanilang pagbabantay upang tuluyang masawata ang smuggling ng ilegal na droga sa mga pangunahing entry point ng bansa. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here