MANILA, Philippines – Pinulong ng Department of Health (DOH) ang mga Punong Barangay sa National Capital Region (NCR) para sa nakatakdang ligtas tigdas campaign ng ahensya.
Isinagawa ng Department of Health–Metro Manila Center for Health Development ang tatlong araw na pagpupulong sa Maynila kasama ang mga Punong Barangay mula sa high-yielding at high-risk barangays para sa Measles-Rubella Vaccination Activity.
Tinalakay sa pulong ang kasalukuyang sitwasyon ng measles-rubella sa NCR, ang campaign brief, mga tungkulin ng mga Punong Barangay sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity, at ang communication plan para sa rehiyon.
Layunin ng hakbang na palakasin ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa Ligtas Tigdas Campaign sa Hunyo 2026.
Paalala ng DOH tuloy-tuloy pa rin ang regular na Bakunahan sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden