MANILA, Philippines – May mataas na tsansa, o nasa 74 percent probability na mabuo ang mahinang La Nina sa pagitan ng Disyembre at Enero.
“La Niña alert persists, with La Niña-like conditions currently prevail in the Tropical Pacific,” ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) climate monitoring and prediction section chief Ana Solis.
Ang mahinang La Nina ay inaasahang magpapatuloy hanggang sa unang bahagi ng 2025, habang ang full blown La Nina ay malabo pa sa ngayon.
Pagdating naman sa forecast rainfall sa buwan ng Disyembre, sinabi ni Solis na ilang lugar sa bansa ang makararanas ng near to above normal rainfall, habang ang konsenstrasyon nito ay nasa silangang bahagi ng bansa.
Ang mga pag-ulan sa Disyembre ay dala-dala ng iba’t ibang weather systems gaya ng northeast monsoon, possible tropical cyclones, at localized thunderstorms.
Samantala, near to above normal rainfall naman ang inaasahan sa Enero, partikular na sa Bicol region at Eastern Visayas, maging sa bahagi ng Mimaropa at Southern Luzon. RNT/JGC