Manila, Philippines- Maraming mamamayan ang curious malaman kung okey lang daw ba sa pamunuan ng TV5 ang tila araw-araw na pangangampanyang ginagawa ni Willie Revillame sa kanyang panghapong show na Wil to Win.
Si Willie ay tumatakbong senador sa mid-term elections na idaraos sa May sa susunod na taon.
Ginagamit na oportunidad ng TV host ang kanyang show para ihayag ang kanyang plataporma.
Kasama na siyempre dito ang mga pangakong binibitawan niya sakaling palaring mapabilang sa Senado.
Kaya naman curious ang ating mga kababayan kung may basbas daw ba ito sa MediaQuest, ang TV5 management.
Sa mga ‘di nakakaalam, si Willie rin ang isa sa mga producer ng Wil to Win.
Mukhang by virtue of being such ay walang problema sa MVP-owned TV network kung ginagamit mang campaign tool ng host ang kanyang show.
Samantala, naiulat lang kamakailan sa pamamagitan ng isang blind item na dalawang senatoriables daw ang tagilid sa mga isinasagawang survey.
Pinagpapayuhan nga ang mga ito na puspusan ang gawing pangangampanya as vigorously as they can para makaalagwa.
Si Willie kaya ang isa sa dalawang senators-wannabe na ito?
If so, who’s the other one?
Kung magugunita, nang kuyugin si Willie noong araw na nag-file siya ng CoC ay hindi niya masabi kung anong isasabatas niya once elected.
Katwiran niya, too early to tell.
Matatandaan ding umatras na noon ang TV host dahil aniya’y hindi pa raw siya lubusang handa.
Pero nagkaroon siya ng change of heart sa ikalawang pagkakataon. Ronnie Carrasco III