Home NATIONWIDE ‘Mahiwagang kaltas’ sa pensyon inireklamo ng retired PCG employees

‘Mahiwagang kaltas’ sa pensyon inireklamo ng retired PCG employees

MANILA, Philippines – Muling kinalampag ng mga retiradong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang gobyermo upang bigyang-pansin ang malaking problema sa ‘mahiwagang kaltas’ o tapyas sa kanilang tinatanggap na pensyon.

Ayon sa mga dating PCG personnel, walong taon na silang nagtitiis sa sitwasyon pero wala pa ring nakikipag-usap sa kanila para ipaliwanag ang nasabing usapin.

Ang ilang mga PCG retirees ay nagmula pa sa probinsya na may Ilan nang nasawi habang naghihintay ng solusyon o maresolba ang kanilang isyu partikular ang pagbabawas sa kanilang pensyon.

Inihayag nila na kinakaltasan ng P8,000 Hanggang P16,000 kada buwan ang kanilang pensyon mula 2017.

Aabot sa 2,000 retired PCG personnel ang apektado ng pagkaltas sa kanilang pensyon at malaking katanungan sa kanila kung saan napupunta ang perang ito.

Kaugnay nito, hinikayat ni Master Chief Petty Officer Allan Clomanmula sa Office of the Command Master Chief ng PCG ang mga retirees at kanilang pamilya na magkaroon ng dayalogo upang mahanapan ng solusyon ang nasabing problema. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)