Home NATIONWIDE US Army, 3 pang dayuhan patay sa bumagsak na eroplano

US Army, 3 pang dayuhan patay sa bumagsak na eroplano

MAGUINDANAO DEL SUR- PATAY ang tatlong dayuhan kabilang ang isang US army matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa palayan kahapon ng hapon sa bayan ng Ampatuan.

Kinumpirma ng US embassy bagaman hindi pinangalanan ang mga biktima na 3 defense contractor at isang US Army sa bumagsak na US Indo Pacific Command.

Batay sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, bandang 2:30 PM nang bumagsak ang eroplano sa Barangay Malatimon, na may body number N349CA mula sa Mactan Cebu patungong Cotabato Areas para mag Aerial Survey.

Nabatid na ang eroplano ay ginagamit sa surveillance reconnaissance support at intel gathering sa bansa.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano na ikinawasak nito at nadamay na mabangasan ang mukha ng isang kalabaw./Mary Anne Sapico