Manila, Philippines- May mensahe si Maine Mendoza sa mga kababayan nating naglalaro at nagka-casino online.
Sinabi ni Maine na kailangang maging responsable sa paglalaro at mag-enjoy lang.
Si Maine kasi ang pinakabagong family member ng BingoPlus, nang inilunsad ang digital perya game na Pinoy Drop Ball, of late.
Sinamahan si Maine ng iba pang mga sikat na personalidad gaya nina Julie Anne San Jose at ang Alamat, kasama mga kilalang idol sa PPop.
Sinabing “homegrown creation” o nilikha ng mga Pinoy para sa mga Pinoy ang bagong palaro upang ibalik ang pakiramdam ng karanasang perya na kilala at mahal ng mga Pilipino, sa paraang dinamiko at bago.
Sinabi rin ni Maine na ang Pinoy Drop Ball ang kauna-unahang live-streamed na drop ball game sa Pilipinas. JP Ignacio