Home ENTERTAINMENT Maine, minura ng basher!

Maine, minura ng basher!

Manila, Philippines – Kahit sino naman sigurong sakdal-bait ay marunong ding magalit lalo’t kung minumura na. Maine Mendoza is no exception.

Akalain n’yo ba namang minsama ng isang basher na pinangalanan niyang “Roldan” ang kanyang random thought na ibinahagi niya sa X (dating Twitter)?

Kung tutuusin, maganda naman ang intensyon ng misis ni QC Rep. Arjo Atayde on wearing face mask kahit nagpapa-selfie kasama ang mga artista.

Pinapayuhan kasi ni Maine ang mga netizens na huwag tanggalin ang kanilang face mask sa ganoong photo op with their favorite stars.

Ang kay Maine ay pag-lingat lang kung paanong hindi rin kailangang tanggalin ng artista ang kanyang face mask kapag nagpapaunlak ng request mula sa mga fans.

Ani Maine, it’s because umiiwas ang artista na makapanghawa siguro dahil masama rin ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling ‘yon.

Sa halip na ma-appreciate ng isang netizen ang magandang intensyon ni Maine ay sukat ba naman siyang murahin ng: “Put…ina mo!”

Hindi ‘yon pinalampas ni Maine na bumuwelta sa basher, giving him a name: “Bakit kasalanan ko pa, Roldan?”

Bale ba, ibinida pa ng basher na hindi raw siya perpektong tao pero marunong naman daw rumespeto.

Post uli ni Maine: “Nasaan na ‘yung po?” bilang tugon sa sinasabi nitong marunong siyang gumalang.

Maine had no other recourse kundi i-screen shot ang post ng basher na ‘yon at maging ang profile nito.

Matatandaang noong kasagsagan ng kampanya para sa nakaraang national/local elections ay “mabenta” ang pamilya Atayde sa mga bashers.

Hindi na lang pinansin ‘yon ni Sylvia Sanchez sa kabila ng pag-atake ng mga ito kay Arjo.

Katwiran ng aktres: “Bakit ko papatulan ang mga troll, mga netizens na wala namang mukha?!”

Take a cue from your mother-in-law, Maine! Ronnie Carrasco III