Home ENTERTAINMENT Maja at Sarah G, binida ng TV5 sa Christmas special!

Maja at Sarah G, binida ng TV5 sa Christmas special!

Screenshot

MANILA, Philippines – Flinex na nga ng TV5 ang mga A-listers na tulad nina Maja Salvador at Sarah Geronimo sa kanilang Christmas special na Merry ang Vibes ng Pasko: The MVP Group Christmas Party, isang ekstra ordinaryong two-part Christmas special na ginanap sa Araneta Coliseum.

Ang unang bahagi ay napanood noong Disyembre 15 at sa darating na Disyembre 22 naman mapapanood ang ikalawang bahagi nito kaya’t asahan ang mas marami pang dazzling acts at heartwarming moments.

Sa musical direction ni Maestro Louie Ocampo at sa direksyon ng legendary director na si Johnny Manahan, tampok sa Christmas special sina Maja, Apl.de.Ap, Bamboo, at Sarah Geronimo. Kasama rin ang powerhouse performances nina Martin Nievera, Aicelle Santos at Jed Madela.

Mas lalong magiging makulay ang panonood ng mga viewers dahil sa performances mula kina TVJ (Tito, Vic, Joey) at ng Eat Bulaga “Dabarkads,” Willie Revillame kasama ang Wil To Win co-hosts, Da Pers Family stars (Aga, Charlene, at Atasha Muhlach), at ang cast ng The Kingdom na pinangungunahan nina Vic Sotto, Piolo Pascual, Sid Lucero, at Cristine Reyes.

Present din sina Sen. Raffy Tulfo, Korina Sanchez-Roxas, at mga kilalang atleta tulad nina Carlos Yulo, Nesthy Petecio, at Aira Villegas.

Kasama rin ang Kapatid stars mula sa Ang Himala ni Niño, Sing Galing, at Lumuhod Ka sa Lupa, pati ang mga news anchors at personalities ng TV5.

Ang Merry ang Vibes ng Pasko ay may temang “Puso at Serbisyo” at naglalayong makalikom ng pondo para sa mga typhoon survivors.

Ang second part ay mapapanood na sa Disyembre 22, 5:30 PM sa TV5, Sari-Sari, BuKo Channel, at One PH. JP Ignacio