Home ENTERTAINMENT Maja, humataw sa indak kahit buntis!

Maja, humataw sa indak kahit buntis!

Manila, Philippines – Hindi pa man ay mismong mga netizens na ang nagbigay ng pangalan sa sanggol na isisilang ng ngayo’y nasa kagampang si Maja Salvador.

Name suggested kung babae ang baby: Ramba.

Obyus na ang pinagkunan nito’y ang first name ng mister ng aktres na si Rambo Nuñez.

Bukod dito’y inspired ang Ramba sa nakakabilib na pag-indak ni Maja kahit malaki na ang kanyang tiyan.

Isa kasi sa mga post niya sa Instagram mula sa kanyang TikTok account ay video kung saan kumasa siya sa dance challenge.

Showing off her terpsichorean skills to the tune of Lagalag, marami tuloy ang hindi maiwasang mainngit kay Maja.

Partikular na rito ang mga kapwa niya expectant moms.

Post ng isa sa kanila: “Nakakainis…ang galing kahit buntis!”

Sinang-ayunan naman ito ng isa pa na nagsabing: “Partida pa ‘yan…paano na lang kung hindi pa siya buntis!”

Ang nasabing video ang kauna-unahang post ni Maja mula nang mabuntis.

Ikinaaliw din ng mga netizens ang galing niya sa pagsasayaw sa ipinromote niyang dance video na Sugal.

Kung matatandaan, ang point of entry niya nang mapabilang noon sa lumang Eat Bulaga ay sa pamamagitan ng isang buwis-buhay na dance contest.

She took a leave from EB para sa paghahanda ng kanilang kasal ni Rambo, pati na rin ang isyung sangkot ang programa at Tape, Inc. Ronnie Carrasco III

Previous articlePagsiklab ng WW3 mula sa WPS tension ‘illogical’ – PCG exec
Next articlePuganteng Taiwanese tiklo sa BI