Home HOME BANNER STORY Pagsiklab ng WW3 mula sa WPS tension ‘illogical’ – PCG exec

Pagsiklab ng WW3 mula sa WPS tension ‘illogical’ – PCG exec

MANILA, Philippines- Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Commodore Jay Tarriela sa West Philippine Sea na ang senaryo na maaring sumiklab ang World War III bilang resulta ng patakaran ng bansa sa WPS ay “illogical” at “preposterous.”

Ginawa ni Tarriela ang pahayag matapos sabihin ng kolumnistang si Anna Malindog-Uy na itinitutulak ng Estados Unidos ang Pilipinas na pagalitin ang China.

“The Philippines has agency,” sinabi ni Tarriela sa post sa X o dating Twitter nitong Lunes.

It is not under any external pressure to expose China’s coercion and blatant violation of international law”.

“A third country like the United States come into the picture, and push and push the Philippines—to provoke China for the matter—a third World War is possible,” sinabi ni Uy sa isang video interview na ini-upload ng Chinese tabloid Global Times nitong Lunes.

“It is illogical to argue that the Philippines’ policy of exposing China’s bad behavior at sea would lead to a “hird world war. It is a preposterous claim lacking empirics,” diin pa ni Tarriela.

Sinabi pa ni Tarriela na ang Pilipinas ay nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan at ang “transparency initative” ng bansa ay nakatuon sa layuning ito.

Binatikos ni Tarriela ang “hindi makatwirang” pahayag na ang patakaran ng Pilipinas sa WPS ay maaring magdulot ng World War III.

Nabanggit din ni Tarriela na naging diskarte ng China na baguhin ang status quo sa WPS sa pamamagitan ng pamimilit at pagwasak sa itinatag na rule-based order. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGov’t task force tiniyak na handa sa epekto ng La Niña
Next articleMaja, humataw sa indak kahit buntis!