Home ENTERTAINMENT Maja, mananatiling ‘kapatid sa TV5!

Maja, mananatiling ‘kapatid sa TV5!

Screenshot

Manila, Philippines – Ayun, naglabas na ng statement ang TV 5 sa status ng kontrata sa kanila ni Maja Salvador.

“Her Majesty Maja Salvador ay mananatiling isa sa pinakamalalaking bituin ng Kapatid Network!”

‘Yan ang inilabas na pahayag ng TV5 matapos niyang muling pumirma ng kontrata sa

MQuest Ventures.

Ngayong 2025, mas marami pang de-kalibreng proyekto ang naghihintay kay Maja sa TV5, Cignal, at iba pang MediaQuest platforms.

Sa contract signing, kasama ni Maja sina MVP Group at MediaQuest Chairman Manny V. Pangilinan, MediaQuest at MQuest Ventures President at CEO Jane Jimenez-Basas, MediaQuest Group CFO John L. Andal, Crown Artist Management COO Vania Ysabel Padilla-Edralin, at ang kanyang asawa na si Rambo Nuñez, Crown Artist Management CEO.

Simula pa noong 2020, naging bahagi na si Maja ng Kapatid Network sa pamamagitan ng mga hit shows tulad ng “Sunday Noontime Live!,” “Niña Niño,” “PoPinoy,” “Oh My Korona”, at ang “Emojination” na umabot na sa apat na seasons.

Ngayong taon, mas matindi pa ang kanyang pagbabalik sa mas malaking proyekto.

Kabilang sa kanyang bagong lineup ang Season 5 ng “Emojination”, ang pagbabalik niya sa primetime drama sa thrilling revenge series na “Athena”, at ang dance competition na “Isayaw Mo”, kung saan muli niyang ipapamalas ang husay bilang Queen of the Dance Floor.

Ayon kay Jane Jimenez-Basas, “She is more than just a phenomenal talent-Maja is family to us at MediaQuest.

“Her passion, versatility, and unwavering commitment to her craft have made a lasting impact, not just on our network but on the audiences who continue to embrace her.

“We are truly excited for this new chapter with Maja, knowing that she will keep delivering inspiring and unforgettable moments for her fans.”

Bukod sa telebisyon, kasado na rin ang kanyang upcoming film projects sa ilalim ng MQuest Ventures, kung saan isang major movie ang nakatakdang ipalabas ngayong taon.

Tiyak na mas magiging makulay at matagumpay ang kanyang 2025, lalo pa’t patuloy niyang pinapatunayan ang kanyang marka bilang isa sa pinakamahuhusay at pinakamaniningning na artista ng kanyang henerasyon. JP Ignacio