Home NATIONWIDE Majority ‘di magpapa-onse sa minorya; flood control probe tuloy– Cayetano

Majority ‘di magpapa-onse sa minorya; flood control probe tuloy– Cayetano

58
0
(Cesar Morales)

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi na muli pang magpapa-onse ang majority bloc sa Senado upang muling maagaw ang Mataas na Kapulungan at hindi matuloy ang pagbubukas ng flood control probe.

Sa kanyang Facebook live, kinumpirma ni Cayetano na hindi matutuloy ang sesyon bilang parliamentary moves ng mayorya laban sa plano ng minorya na agawin ang Senado at magpatuloy na maging puppet ng Palasyo.

“Mabalik lang ang majority sa ngayon na onse o minority. Kaya parati ko inuulit-ulit, huwag kayong magpa-onse sa onse. E sabi nila ngayon, paano na yan, onse-onse na? So, isi-simplify ko po ha. Ito po yung main message ko ngayon. Isi-simplify ko po ha. Main message na naka-ugnay sa truth. Truth,” ayon kay Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na naunang nag-walk out ang minorya upang hindi matuloy ang panukalang amyendahan ang Senate Rules na papayagan ang sinumang dumalo sa sesyon at makaboto sa pamamagitan ng teleconferencing.

“Nag-walk out sila dahil ayaw po nila na makaboto yung ilan naming mga kasama. Yun po, sa kanila mismo nang galing yun. Objective ng walk out nila, sila ang maging majority. So ngayon naman po na walang forum at walang session yesterday and today, may kasamang mga protesta yun, protest against a puppet senate na gusto nila,” ayon kay Cayetano.

Pero, sinabi ni Cayetano na parliamentary tool din ang ginamit ng majority upang matiyak na matutuloy ang pagdinig ng Blue Ribbon hearing sa Huwebes.

“But it is also a parliamentary tool to ensure na tuloy ang Blue Ribbon hearing sa Thursday. Ulitin ko po ha, ginamit nila yung parliamentary tool na walk out para po hindi matuloy ang pag-change ng rules. So ngayon po ang majority, ginagamit din po ang rules sa tama, morally, legally,” ayon kay Cayetano.

Aniya, hindi sila dumalo sa sesyon mula noong Lunes upang matiyak na hindi maaagaw ang committees at mapigilan ang pagdinig ng Blue Ribbon sa Huwebes at iba pang importanteng hearing ng bawat komite.

“Yes, you heard me right. Sa kanilang official or unofficial spokespersons, meaning sila mismo, or yung mga avatar nila, or yung mga vloggers, formal, informal, PR spokesperson, ang nagsabi na, sa 11-11, umabsent lang yung isa, mag-abstain lang yung isa, they can move,” ani ni Cayetano.

Ayon kay Cayetano, kapag pinayagan na hindi masuri nang malalim ang flood control issue, hindi mailalabas ang katotohahan kung sino talaga ang tunay na sangkot, sino ang mastermind, sino pa ang sangkot at kung gaano kalawak ang ghost projects sa buong bansa.

“Alam nyo na ba kung ano talaga ang scheme o scam sa flood control? Ilan ba talaga ang ghost? Ilan ang hindi ghost? Ilan ang substandard? Bulacan lang ba? O maraming lugar sa ating bansa? Senador lang ba? May congressman? May cabinet member ba? May mastermind ba o wala? Ano yung real numbers sa 1 trillion a year sa 2023, 2024, 2025? Ano ba dyan ang tama? Ngayon ba? Wala na bang corruption ngayon sa infrastructure problems? Kamusta ang ating flood control? Pag umulan ba ng malakas ngayon, makakasiguro tayong hindi babaha? So ang dami pong tanong,” paliwanag ni Cayetano.

Aniya, hindi masasagot ang lahat ng tanong kung walang independent, impartial hearing na isasagawa ang majority.

“May hearing ang ombudsman, may investigation at hearing ang ombudsman at DOJ. But what about the Blue Ribbon Committee? We gave Senator Lacson a chance. Napakatagal yun,” aniya.

“Kayo na mag-kwenta ilang buwan o isang taon, di ba? So, Senator Marcoleta had one hearing. Pipigilan natin yun? Witnesses. Pag nandyan na yung witness, matatest natin. Kaya ako hindi ako nagja-judge.”

“So again, uulitin ko po ha, kailangan tignan po natin nangyayari sa Senado sa mas malaking konteksto ng katotohanan. Gusto ba natin na ang Senado ay maging kasangkapan ay gamitin para ilabas ang totoo o ito ay kasangkapan para itago ang totoo? Is the Senate for truth or not?” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here