Home HOME BANNER STORY Mala-impyernong damang-init mararanasan sa 3 lugar

Mala-impyernong damang-init mararanasan sa 3 lugar

MANILA, Philippines – Tatlong lugar sa Pilipinas ang makakaranas ng mapanganib na antas ng init sa Marso 19, 2025, ayon sa PAGASA.

Ang heat index sa Coron at Puerto Princesa, Palawan, pati na rin sa Zamboanga City, ay maaaring umabot sa 42°C.

Ito ay nasa kategoryang delikado at maaaring magdulot ng heat cramps, pagka-ubos ng enerhiya, at heat stroke.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling hydrated at umiwas sa direktang sikat ng araw. RNT