Home METRO Malabon City LGU nagpalabas ng flood alert; ilang kalsada sa Caloocan City ‘di...

Malabon City LGU nagpalabas ng flood alert; ilang kalsada sa Caloocan City ‘di rin madaanan sa baha

Larawan mula sa Weather Watch Philippines (Facebook)

MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Malabon City local government nitong Miyerkules, Hulyo 24, ng flood advisory sa ilang lugar na hindi na madaanan dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ni Bagyong Carina at pinalakas na habagat.

Base sa lokal na pamahalaan, hindi madaraanan ng light vehicles ang mga sumusunod na kalsada:

Barangay Panghulo

  • Silver Swan -13 inches

  • Tatawid – 10 inches

  • Ma. Clara – 13 inches

Barangay Dampalit

  • Don Basilio M. Sioson – 13 inches

Barangay Ibaba

  • Camus – 14 inches

Barangay San Agustin

  • Rizal Avenue (St. James Academy) – 14 inches

  • F. Sevilla Market – 15 inches

  • Sacristia C. Arellano – 12 inches

  • Rizal Avenue Exit-Magsaysay – 13 inches

  • C. Arellano SAn Agustin -13 inches

  • Gen. Luna cor. Sacristia Petron – 11 inches

Barangay Tañong

  • Estrella- 11 inches

  • Estrella- bridge – 11 inches

Barangay Catmon

  • Sitio 6- 19 inches

Barangay Maysilo

  • M.H Del Pilar San Vicente – 13 inches.

Samantala, inanunsyo ng Caloocan City government nitong Miyerkules, na ilang lugar sa lungsod ang “not passable” sa mga sasakyan dahil sa pagbahang dulot ng patuloy Bagyong Carina at pinalakas na Habagat.

Narito ang listahan ng mga binahang major thoroughfares sa lungsod:

  • Barangay 18, Tamban St. (Knee deep, not passable)

  • Caloocan Sports Complex road (Gutter deep, not passable to light vehicles)

  • Dagat-dagatan avenue (Passable)

  • Pamasawata boundary (not passable to light vehicles)

  • Barangay 170 Diamante Street (Not passable)

  • Camarin cor. Deparo Road (Gutter deep, passable)

  • Llano Road (not passable to light vehicles)

  • Zabarte Road (not passable to light vehicles)

  • Phase 6, Barangay 178 (not passable)

  • Barangay 172, Abraham Bridge (not passable)

  • 2nd to 4th Avenue (not passable to light vehicles)

  • A. Mabini cor. Maypajo (passable)

  • R. Papa (passable)

  • Barangay 173, Rainbow Village (not passable)

  • Matarik Bridge (not passable)

  • Barugo (not passable)

  • Barangay 8, Sabalo Street  (not passable)

Sinimulan na rin ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang rescue operations nito sa mga binahang lugar upang tulungan ang mga residente na lumikas.

Para sa emergency at rescue, maaaring tumawag ang mga residente sa: (02) 888-ALONG (25664). RNT/SA