Home NATIONWIDE Malabon Parish humingi ng paumanhin sa paggamit ng kalapating tinali sa lobo...

Malabon Parish humingi ng paumanhin sa paggamit ng kalapating tinali sa lobo sa Salubong

123
0

MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin ang Diocese Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Easter Sunday Salubong ritual matapos umani ng batikos ang paggamit ng kalapati na tinali sa mga lobo.

Ayon kay Fr. Mariano Bartolome Jr., layunin ng tradisyon na gumamit ng live pigeon bilang alternatibo sa batang gumaganap na “anghel” sa pagtanggal ng belo ng Mahal na Ina—isang gawain na ginagawa pa umano mula matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Gayunman, kinilala ng pari na dapat isaalang-alang ang kapakanan ng mga hayop at ang responsibilidad ng komunidad sa pangangalaga ng kalikasan.

Nagpaabot din ng paumanhin ang parokya kay Pablo Virgilio David, obispo ng Kalookan, na nagsabing hindi niya papayagan ang naturang gawain kung ito ay kanyang nalaman nang mas maaga. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng malasakit hindi lamang sa hayop kundi pati sa kapaligiran at buhay ng tao.

Mariing kinondena ng Animal Kingdom Foundation ang insidente, iginiit na ang simbolismo sa relihiyon ay hindi dapat magdulot ng paghihirap sa mga hayop.

Ayon sa grupo, malamang na namatay ang ibon dahil sa paraan ng pagkakatali at pagpakawala nito, na maaaring nagdulot ng matinding stress at pinsala.

Sa kabila nito, nanawagan si Cardinal David sa publiko na magkaroon ng malasakit—hindi lamang sa hayop kundi lalo na sa buhay ng tao—upang tunay na maitaguyod ang dignidad ng lahat ng nilalang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here