Home HOME BANNER STORY Tropical Depression sa labas ng PAR, malabong makaapekto sa panahon sa Pinas

Tropical Depression sa labas ng PAR, malabong makaapekto sa panahon sa Pinas

121
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maliit ang tsansa na makaapekto sa lagay ng panahon sa bansa ang bagong nabuong tropical depression.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, huling namataan ang bagyo sa layong humigit-kumulang 3,000 kilometro silangan ng northeastern Mindanao, at nasa labas pa ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dahil sa layo nito, inaasahang hindi ito magkakaroon ng direktang epekto sa bansa. Sa halip, mananatiling generally fair ang panahon, bagama’t may posibilidad ng mga panaka-nakang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Posible umanong pumasok sa PAR ang sinasabing tropical depression sa Huwebes at tatawaging “Caloy.” Maaari rin itong lumakas at maging severe tropical storm o bagyo sa loob ng susunod na anim na araw.

Gayunpaman, inaasahang lilihis ang galaw nito at tutungo patungong Japan.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-monitor ng updates mula sa PAGASA para sa anumang pagbabago sa forecast. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here