Home HOME BANNER STORY Malaimpyernong damang-init mararanasan sa 4 lugar sa Luzon

Malaimpyernong damang-init mararanasan sa 4 lugar sa Luzon

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na apat na lugar sa Luzon ang makakaranas ng “danger level” na heat index sa Miyerkules, Marso 5.

Batay sa kanilang bulletin noong Marso 4, inaasahang aabot sa 42°C ang heat index sa San Jose, Occidental Mindoro, habang 43°C naman sa Legazpi, Albay, Virac, Catanduanes, at CBSUA-Pili sa Camarines Sur.

Ang heat index ay sukatan ng nararamdamang init ng katawan na isinasaalang-alang ang halumigmig at aktuwal na temperatura ng hangin.

Ayon sa PAGASA, ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C ay itinuturing na “danger level” na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke lalo na kung magpapatuloy ang aktibidad.

Dahil sa matinding init, ilang lungsod at paaralan ang nagsuspinde ng klase. Samantala, tiniyak ng Malacañang na naghahanda ito para sa epekto ng pagtaas ng heat index sa bansa. Santi Celario