Home NATIONWIDE Isolated rains sa Metro Manila, ilang bahagi ng bansa mamayani sa easterlies

Isolated rains sa Metro Manila, ilang bahagi ng bansa mamayani sa easterlies

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na magdudulot ng isolated na pag-ulan at pagkulog-kidlat ang easterlies sa ilang bahagi ng bansa.

Asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Samantala, makakaranas ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-kidlat ang Davao Oriental, Davao del Sur, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, walang namamataang low-pressure area na maaaring maging bagyo, batay sa kanilang monitoring noong alas-dos ng umaga ng Marso 5, 2025. RNT