CEBU CITY- Umabot sa P6.9 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang high value individual (HVI) sa isinagawang drug buy-bust operation, Lunes ng madaling-araw sa lungsod na ito.
Nasa kustodiya ngayon ng Cebu City Police ang suspek na kinilala sa pangalang Walter, residente ng Barangay Sawang Calero, ng naturang lungsod.
Sa report ng pulisya, bandang ala-1 ng madaling araw nang madakip ang suspek sa Block 4 ng nabanggit ng barangay.
Nakuha sa suspek ang 1.025 kilo ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P6.9 milyon.
Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nagsusuplay ng shabu sa suspek. Mary Anne Sapico