MANILA, Philippines – DUDA ang Malakanyang sa sinabi ni Senator Imee Marcos na maaaring kasama sa “protected person” si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa ilalim ng magiging kaparusahan ni US President Donald Trump sa International Criminal Court (ICC).
Ang kautusan ni Trump ay nagbibigay pahintulot sa economic at travel sanctions target ang mga tao na nagta-trabaho sa ICC investigations sa U.S. citizens o U.S. allies gaya ng Israel.
Ang kaparusahan ay nataon sa naging pagbisita sa Washington ni Israel’s Prime Minister Benajmin Netanyahu, na wanted ng ICC over dahil sa giyera sa Gaza.
Kinuwestiyon naman ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang kung kasama ang Pilipinas sa listahan ng “major at nonmajor allies” ng Estados Unidos, ipinaliwanag sa Trump EO.
“Parang hindi naman tayo included sa list,” ang sinabi pa ni Castro.
Ipinaliwanag ng EO ang terminong “ally of the United States” ang gobyerno ng isang member country ng North Atlantic Treaty Organization; o gobyerno ng isang “major non-NATO ally,” as that term is defined by section 2013(7) of the American Servicemembers’ Protection Act of 2002 (22 U.S.C. 7432(7));
Sa kabilang dako, binatikos naman ni Castro si Imee Marcos sa pag-akusa nito sa Malakanyang ng pakikipagsabwatan sa Interpol para kagyat na arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong nakaraang buwan.
Wnika pa ni Castro na naglaan ng anim na oras sa pagsagot sa mga tanong ni Imee Marcos sa first hearing ng kanyang komite.
“So anong cover-up dun? Hindi naman pwedeng ibibigay sa kanila o isapubliko ‘yung mga covered ng executive privilege…Sana maintindihan nila ‘yun,” ang sinabi nito.
Sinabi pa ni Castro na hindi obligado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para patigilin ang kanyang kapatid na si Imee Marcos sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng komite nito.
Sa halip, ang Pangulo ay obligado na ilantad sa publiko hinggiil sa lahat ng mahalagang impormasyon ukol sa pag-aresto kay Figong Duterte.
“Nasa kamay na ni Senator Imee kung hanggang saan siya at kung kailan siya titigil,” ang sinabi pa rin ni Castro. Kris Jose