Home NATIONWIDE Survey: TOL, 8 pang Alyansa pasok sa ‘Magic 12’

Survey: TOL, 8 pang Alyansa pasok sa ‘Magic 12’

SEN. FRANCIS 'TOL' TOLENTINO

MANILA, Philippines – Pasok si reelectionist Senador Francis “TOL” Tolentino at walong iba pang kandidato mula sa Alyansa ng Bagong Pilipinas na pro-administration sa Magic 12 ng pinakabagong survey.

Kasama nila sa Magic 12 ang dalawang kandidato mula sa PDP-Laban at isang independent, batay sa non-commissioned Pulso ng Pilipino tracking poll na isinagawa noong Marso 22 hanggang 29, 2025, sa gitna ng maiinit na isyu, partikular ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang survey na nilahukan ng humigit-kumulang 1,800 respondents na binubuo ng mga rehistradong botante sa buong bansa, may edad mula 18 taong gulang hanggang 65 taong gulang pataas, ay sakop ang lahat ng social classes gamit ang tradisyunal na MSAP o Multi Stage Area Probability Sampling na pamamaraan na karaniwang ginagamit ng mga survey firm.

Nagsimula noon pang 1992 sa panahon ng administrasyon ng yumaong Pangulong Fidel V. Ramos, ang Pulso ng Pilipino survey ay isinasagawa ng The CENTER bilang isang panloob na organisasyon ng pananaliksik sa botohan.

Nanguna si Sen. Bong Go sa nasabing survey na may 57.6%, tumaas ng 2.3% mula sa survey ng Pulso ng Pilipino noong Pebrero. Sinundan siya ni dating Senate President Vicente ‘Tito Sen’ Sotto III na may 56.3% o bumaba ng maliit na .02%.

Nasa ikatlong puwesto naman na may 51% ang dating nangunguna na si Erwin Tulfo sa survey noong Pebrero. Nasa 4th position si Sen Pilar Juliana ‘Pia’ Cayetano na may 47%.

Nasa ika-5 puwesto si Sen. Lito Lapid na may 46%, bumaba ng 2.1% mula sa survey noong Pebrero. Tumunton naman sa 6th hanggang 7th spot sina dating Sen Panfilo Lacson na may 43.3% at Sen. Bong Revilla na may 42.5%.

Sumampa sa ika-8 hanggang ika-9 na puwesto sina Makati Mayor Abby Binay na may 38.7% at reelectionist Sen. Francis ‘TOL’ Tolentino na may 37.5%.

Si Tolentino ay tumaas ng 4.1% mula sa huling survey ng PnP dahil sa kanyang inilunsad na 1st ROTC Games kung saan nagtitipon-tipon ang libu-libong mag-aaral sa kolehiyo para sa isang regionak competition na layong paunlarin ang potensyal na pang-akademiko, disiplina at palakasan ng mga kabataang Pilipino ngayon.

Tatlong kandidato ang nakikibahagi sa ika-10 hanggang ika-12 na puwesto. Sila ay sina: Reelectionist Sen. Ronald ‘BATO’ Dela Rosa,35%, independent candidate Ben Tulfo na may 34.7%, at dating Sen. Manny Paquia na may 31.5%, bumaba ng 4.5% mula sa nakaraang PnP survey.

Batay sa pre-poll PnP survey na isinagawa noong Marso 22-29, 2025, mayroong siyam na pro-administration candidate na nakapasok sa Magic 12.

Sila ay sina: Sotto (NPC), Tulfo (Lakas-CMD), Lapid (NPC), Lacson (IND), Revilla (Lakas), Cayetano (NP), Binay (NPC), Pacquiao (PFP) at TOL Tolentino (PFP). RNT