MANILA, Philippines – Sariling kagustuhan ni Rep. Elizaldy Co (Ako Bicol Party-list) ang desisyon nito na magbitiw bilang mambabatas.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na walang sinumang makapipigil kay Co sa kanyang desisyon na abandonahin ang kanyang pagiging kongresista.
“Sa pangyayari pong iyan.. kung nag-resign po siya.. yan naman po ay kanyang kagustuhan. walang makapipigil sa kanyang mga desisyon,” ayon kay Castro.
Iyon nga lamang, naniniwala si Castro na bagama’t nagbitiw si Co bilang kongresista ay hindi naman nito matatakasan at matatakbuhan saka’t siya ay masampahan ng kaso. Kasong isasampa laban kay Co na naaayon sa ebidensiya.
“Ngunit kung magkakaroon man siya ng kaso at maisasampa, hindi po niya ito maiiwasan, hindi niya po ito matatakbuhan. So, mas maganda po rito kung siya man po ay masasampahan ng kaso, ipaglaban na lang niya ang kaniyang karapatan at ipaglaban ang katotohanan na naaayon sa kaniyang mga ebidensiya.,” aniya pa rin.
At sa tanong naman kung gaano kahalaga ang isang Zaldy Co sa gitna ng imbestigasyon sa flood control controversy lalo pa’t makilang ulit na lumutang ang kanyang pangalan sa nakalipas na mga linggo sa pagdinig sa Senado at Mababang Kapulungan, ang naging tugon ni Castro ay “Kung nababanggit ang kaniyang pangalan, definitely dapat niya po itong sagutin dahil kung hindi niya po ‘to masasagot at iiwasan niya, lalabas lamang po siyang guilty. So, mas mainam po na maipaliwanag niya ang kaniyang side.”
Sa ulat, nagbitiw sa Kamara si Rep. Elizaldy Co (Ako Bicol Party-list) noong Lunes, Setyembre 29, dahil umano sa matinding banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.
Sa kanyang liham kay House Speaker Martin “Bojie” Romualdez, sinabi ni Co na itinanggi sa kanya ang karapatan sa due process, kaya’t agad at hindi na mababawi ang kanyang pagbibitiw.Nagbitiw sa Kamara si Rep. Elizaldy Co (Ako Bicol Party-list) noong Lunes, Setyembre 29, dahil umano sa matinding banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.
Sa kanyang liham kay House Speaker Martin “Bojie” Romualdez, sinabi ni Co na itinanggi sa kanya ang karapatan sa due process, kaya’t agad at hindi na mababawi ang kanyang pagbibitiw.
Dumating ang kanyang resignation ilang araw matapos irekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman na sampahan siya ng kaso kaugnay ng umano’y iregularidad sa P289.5-milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Nag-coincide rin ang pagbibitiw ni Co sa pag-expire ng 10-araw na ultimatum na ibinigay ni Dy, na nag-aatas sa kanyang agarang pagbabalik sa bansa matapos bawiin ang kanyang travel clearance.
Matatandaang nasa Estados Unidos si Co para umano sa medical treatment. Iginiit niyang layunin pa rin niyang bumalik sa Pilipinas, ngunit binatikos niya ang kautusan ni Dy na, aniya, pumipigil sa kanyang karapatang makatanggap ng medikal na atensyon. (KRIS JOSE)