Home NATIONWIDE Malakanyang nakiisa sa pagdiriwang ng International Nurses Day

Malakanyang nakiisa sa pagdiriwang ng International Nurses Day

MANILA, Philippines- Kinilala ng Malacañang ang mga nurse sa buong mundo para sa mahalaga nilang kontribusyon sa lipunan sa pagdiriwang ng International Nurses Day.

“Isang matikas na saludo sa ating mga nurse na buong tapang na tumutugon sa kanilang tungkulin,” pahayag ng Presidential Communication Office (PCO) nitong Linggo, Mayo 12.

“Kasama ng international community ang Presidential Communications Office sa pagpapaabot ng pasasalamat sa inyong ‘di matatawarang kontribusyon at walang-sawang serbisyo,” dagdag ng PCO, ang communication arm ng Malacañang.

Ipinagdiriwang ang International Nurses Day tuwing Mayo 12 sa buong mundo.

Taon-taon itong ginugunita kasabay ng anibersaryo ng kapanganakan ni Florence Nightingale. RNT/SA