Home NATIONWIDE Malakanyang nangako ng patuloy na tulong sa mga apektado ng Bagyong Paolo

Malakanyang nangako ng patuloy na tulong sa mga apektado ng Bagyong Paolo

173
0

MANILA, Philippines – PINAIGTING ng gobyerno ang disaster response efforts nito para pagaanin ang epekto ng Bagyong Paolo (international name Matmo) at pabilisin ang recovery ng mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Sa isang panayam ng One News, tiniyak ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa publiko ang kahandaan ng gobyerno na tumugon sa disaster-stricken areas.

“Hindi po magsasawa ang ating gobyerno tumulong kahit ano po ang nangyayari ngayon, kahit sabihin natin na sunud-sunod po ang nangyayaring kalamidad,” ayon kay Castro.

“Ang gobyerno po sa pamamagitan ng ating Pangulong [Ferdinand R.] Marcos Jr., lahat po ng government agencies concerned, lahat po yan ay kikilos para po maibigay lahat ng tulong at maibsan ang ang hirap na nadadama ng ating mga kababayan ngayon,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, hiniling naman ni Castro sa publiko na pakinggan at sundin ang payo ng local government units upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

“Sundin na lamang po natin at huwag na po tayong magdalawang isip. Kapag kayo po ay sinabing umalis sa inyong lugar, alis na po kayo para po naman ito sa inyong kaligtasan,” ang tinuran ni Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here