MANILA, Philippines – PUMIYOK ang Malakanyang na nabigo itong abutin ang target na isang milyong housing units kada taon.
Ang katuwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay dahil maliit ang presyo na ibinibigay sa taumbayan para i-avail ang housing unit kaya aniya iyong ibang mga contractors ay hindi sumasang-ayon na makisali o sumama sa ganitong klaseng proyekto.
Bukod pa sa kaunti na lamang aniya ang mga developer.
Maliban dito, mayroon pa aniyang causes of delays katulad ng “processing and release of development loans for private contractors; permitting or due diligence process on sites suitability and land ownership; mayroon din po nagkakaroon din po ng problema or issue tungkol sa pagpapatayo because it seems that there is longer construction period for vertical housing – at least 10 months average for walk-up – four-storey buildings pa lang po iyon; at iyon pong capacity to borrow or avail of the development loan of private contractors at ito po ay ibibigay nang napakamura po sa ating mga kababayan kaya po kakaunti lamang po na mga contractors at developers ang sumasali sa proyektong ito.”
“So, ito po ay mga issues na hindi po ninanais ng administrasyon but katulad ng sinabi ni PBBM, ng ating Pangulo:“We aim one million houses a year and we will try very, very hard,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Castro na ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development, kasalukuyan ngayong may 90 na nagpapatuloy na proyekto sa buong bansa, nmay 82 na nasa preproduction phase at 436 karagdagang naghihintay ng approval.
Ang mga kompletong proyekto aniya ay nagresulta ng 259,365 housing units simula nang magsimula ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malayo sa target ng gobyerno na isang milyong housing units kada taon.
Samantala, sinabi ni Castro na hindi kasama sa General Appropriations (GAA) Act ang proyektong ito.
“Ito po ay pupondohan po ng Pag-IBIG,” aniya pa rin. Kris Jose