MANILA, Philippines – Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation sa buwan ng Marso na maglalaro mula 1.7 hanggang 2.5 percent, ito ay kasabay ng mas mataas na singil sa kuryente at mataas na presyo ng mga isda at karne.
Sa kabila nito, nabawi naman ang inflationary pressures ng bumabang presyo ng bigas, prutas at mga gulay na sinuportahan ng bumuting kondisyon ng domestic supply at pagtaas ng halaga ng piso.
“The Monetary Board will continue to take a measured approach in ensuring price stability conducive to balanced and sustainable growth of the economy and employment,” saad sa pahayag ng BSP.
Matatandaan na ang inflation noong Pebrero ay humupa, o five-month low kasabay ng pagbaba ng presyo ng mga pagkain, utility at transportasyon. RNT/JGC