MANILA, Philippines – Apat na lugar sa bansa ang makararanas ng mapanganib na lebel ng heat index ngayong Martes, Abril 1.
Tinukoy ng PAGASA ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C bilang “danger” category, na may mataas na tsansang magdulot ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.
Sa bulletin, maaaring maranasan ang hanggang 46 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City, Pangasinan.
Inaasahan naman ang 43°C heat index sa Iba, Zambales at Virac (Synop), Catanduanes.
Samantala, sa Butuan City, Agusan del Norte ay maaaring umabot sa 42°C ang heat index.
Sa Metro Manila naman ay maaaring umabot sa 37°C ang heat index partikular sa NAIA Pasay City at Science Garden, Quezon City.
Ang heat index na mula 33°C hanggang 41°C ay nasa ilalim ng “extreme caution” category kung saan posible ang heat cramps o heat exhaustion. RNT/JGC