Home NATIONWIDE Malakanyang, sumang-ayon sa P500 Noche Buena ng DTI

Malakanyang, sumang-ayon sa P500 Noche Buena ng DTI

401
0

MANILA, Philippines – Pabor ang Malakanyang sa sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Maria Cristina Aldeguer- Roque na kasya na ang P500 para makapaghanda sa Noche Buena.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na mayroon namang mga grocery store na may discount at sale.

Sinabi kasi ni Roque na “Kung tutuusin P500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti. Depende rin po yan kung ilan ‘yung kakain.”

Mas maraming brands, ayon pa rin kay Roque na pang-noche buena products o mga noche buena items ang hindi naman nagtaas ng presyo kaya may opsyon aniya ang mga consumer o depende sa budget ng mga ito.

“Kaya ko naman na tumingin sa mga may discount. May mga grocery store na may mga discount lalo na pag let’s say dapat na mabenta na ito lahat. depende po yan sa diskarte,” ang sinabi ni Castro na kulang na lamang ay sabihin na sapat na ang simpleng handa kaysa sa engrandeng handa na hindi masasabayan ng mga naging biktima ng kalamidad sa bansa.

“Depende kasi kung ano ang bibilhin mo. Ano ba ang balak mo? Kasi diba may nabibili naman na naka-packed na.. iyong parang chopsuey tapos bumili ka ng bihon, toyo,” ang natatawang pahayag ni Castro.

Sa halaga ng P500 na budget para sa noche buena, sinabi ni Castro na hindi piwedeng pagsabay-sabayin na bumili ng ham, makagawa ng macaroni salad at spaghetti.

“Hindi naman po siguro puwedeng pagsabay-sabayin. Puwede ham siguro. Mayroon namang murang ham,” ang natatawang pahayag ni Castro.

‘Kung magko-compute ako, kung bibili ako ng isang kilo ng ham na mumurahin hindi iyong may brand. Puwede. Ham lang,” ang sinabi pa rin ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here