Home HOME BANNER STORY Apela ni Duterte sa interim release, tinanggihan ng ICC

Apela ni Duterte sa interim release, tinanggihan ng ICC

290
0

THE HAGUE, Netherlands – Tinanggihan ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) nitong Biyernes (Nobyembre 28) ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang o kundisyunal na pagpapalaya.

Noong Setyembre, ibinasura ng Pre-Trial Chamber I ng ICC ang hiling ng kampo ni Duterte para sa pansamantalang paglaya at nagpasya na mananatili siya sa detensyon sa The Hague, Netherlands, dahil sa iba’t ibang kadahilanang inilatag ng korte.

Ang desisyong ito ay kinatigan ng Appeals Chamber, at binasa ang hatol sa isang bukas na pagdinig ng presiding judge na si Luz Del Carmen Ibañez.

Hindi dumalo si Duterte, maging sa virtual na paraan, dahil ni-waive niya ang kanyang karapatang humarap sa pagdinig. Siya ay kinatawan ng kanyang lead counsel na si Nicholas Kaufman. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here