Home SPORTS Guam tambak sa Gilas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers, 87-46

Guam tambak sa Gilas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers, 87-46

315
0

MANILA, Philipines – Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang national team ng Guam ng 41 points, 87-46, sa kanilang unang laro sa FIBA World Cup Asian Qualifier na ginanap sa Calvo Fieldhouse sa Guam.

Naging susi sa panalo ng Gilas ang kanilang ginamit na mahigpit na depensa at nilimitahan ang pagpuntos ng Guam lalong lalo na ang kanilang naturalized player na si Jericho Cruz.

Nanguna sa opensa ng Gilas si Justin Brownlee na kumamada ng 22 points sa panalo.

Ayon kay Gilas coach Tim Cone, maganda ang nilaro ng kanyang mga player at hindi nila pinaporma ang mapanganib ng Guam.

“Muli kaming sasabak sa ensayo para paghandaan ang ikalawang paghaharap namin ng Guam at inaasahan naming babawi sila at pipilitin nilang manalo sa December 1 sa Blue Eagle Gym.

“Sure kami na babawi sila ang gagawa ng paraan upang makabawi sa kanilang naging pagkatalo sa harap mismo ng kanilang mga kababayan sa Guam,” paniniguro ni Cone.

Marami ang nakapansin na maganda na ang mga height ng players ng Gilas at inaasahang lalo pang lalakas ang koponan kapag nakabalik na sa Gilas uniform si Kai Sotto.

Kitang kita rin  na solido ang laro nina Quentin Millora-Brown, AJ Edu, June Mar Fajardo at Japeth Aguilar na nakipagsabayan sa matatangkad ng Guam.

Nakakabilib din ang bilis nina Scottie Thompson,  Brownlee, Chris Nehwsome, Cjay Perez, Kevin Quiambao, RJ Abarrientos at Carl Tamayo, at Dwight Ramos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here