Home Uncategorized Malakanyang wapakels kung may palit-liderato ng Senado

Malakanyang wapakels kung may palit-liderato ng Senado

278
0

MANILA, Philippines – Minamaliit ng Malakanyang ang mga ulat hinggil sa posibleng panibagong pagpapalit ng liderato sa Senado.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-alala at nananatiling kumpiyansa na ang Senado ay mananatiling matatag at nakatuon sa pagsisilbi sa publiko.

Sinabi ni Castro na ang mga napaulat na usapin sa loob ng Senado ay bahagi lamang ng mga demokratikong proseso ng institusyon.

“According to Senate President Tito Sotto, stable naman po ang nangyayari sa Senado at nag-e-express lamang po sila ng kanilang mga damdamin at karapatan naman po nilang pumili kung sino iyong nararapat na maging leader or mamuno sa kanila,” paliwanag ni Castro.

“So, may freedom of expression sila, may democracy sila sa loob ng Senado — so, hindi naman po siya alarming,” dagdag pa niya.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Castro na anuman ang mangyaring pagbabago sa liderato, ipagpapatuloy ng mga senador ang pag-prayoridad sa mga batas na makabubuti sa mga mamamayang Pilipino.

Sa mga ulat, muling lumutang ang posibilidad ng pagbabago sa liderato ng Senado ilang linggo matapos ang naganap na reorganization, na nagresulta sa pagpapalit ng mga bagong committee heads at realignment ng mga alyansa sa hanay ng mga senador.

Pinanatili naman ng Malakanyang ang paggalang nito sa independence ng legislative branch at nagpahayag ng tiwala sa mga mambabatas na magpapatuloy sa pakikipagtulungan sa ehekutibo upang maipasa ang mga batas na magsusulong ng development agenda ng administrasyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here