SOUTH KOREA – Sinabi ng militar ng South Korea na naitala nito ang pag-aalis ng North Korean military ng ilang propaganda speakers na nakatutok sa bahagi ng border area ng South.
Ito ay kasunod ng naunang ginawa ng South Korea na nag-alis din ng malalakas na speaker.
Ayon sa militar, kailangan pa nilang kumpirmahin kung ang pagbabaklas ay sa lahat ng lugar.
Matatandaan na sa pamumuno ni Pangulong Lee Jae Myung ng South Korea, pinatay na ang propaganda broadcasts.
Noong Lunes, nagsimula ang mga awtoridad ng South Korea na alisin ang mga loudspeaker kasabay ng pagbuhay sa matagal nang nabalahaw na dialogue sa pagitan ng dalawang bansa.
Nananatiling nasa gyera ang dalawang bansa matapos ang 1950-53 Korean War. RNT/JGC